Babaylan ng Wika ‘18


Inabangan ng lahat ang nakakapanabik at kauna-unahang Babaylan ng Wika na inihandog ng Student Executive Council (SEC) na kung saan ang bawat club o organisasyon ay may kani-kanilang kandidata na mag rerepresenta.

Sa unang bahagi ng kompetisyon, ipinakita ng mga nagagandahang mga kandidata ang kanilang hinandang engrande at bonggang mga babaylan customes na dahilan ng hindi magkamayaw na mga sigaw at palakpakan ng mga manonood at taga suporta ng kani-kanilang departamento. Nakapasok sa top 5 ang mga kalahok na kandidata na nagmula sa RAFA, Hugyaw Arts and Dance Company, Wimaphil at Senior High na kung saan nagkaroon ng huling katanungan na magsusukat ng kanilang katalinuhan at hindi puro ganda lamang ang pinaglalabanan.

Namayagpag si JV_ mula sa Senior High School Department at naiuwi niya ang korona bilang ka una-unahang Babaylan ng Wika 2018 at nasungkit niya rin ang Best In Interview. Habang naging 1st Runner up naman si John Vincent Joloro mula sa Hugyaw Arts and Dance Company at naiuwi niya naman ang titulo na Best in Production number, samantalang 2nd runner up naman si George Jutajero mula sa RAFA at siya rin ay itinanghal na Miss Photogenic.

Naging isang matagumpay at puno ng saya ang isang simple at memorableng programa ng pagdaraos ng Buwan ng Wika ng St. Therese MTC Colleges sa taong ito na lubos naman na ikinatuwa ng mga namahala sa programang ito na pinangungunahan ni Ginoong Chester Louie Sequio na siyang presidente ng SEC kasama ang kanyang mga masisipag at responsableng kawani.

Ang pagdaraos ng Babaylan ng Wika sa taong ito ay isang pagpapatunay na lahat tayo ay may karapatan na maipagmalaki ang ating kultura sa paggamit ng ating nakagisnan na wikang Filipino at isa rin itong pagpupugay ng kagandahan sa iba’t ibang uri at aspeto na walang halong panghuhusga tungkol sa katauhan ng tao kahit na sila man ay mga bakla.