Buwan ng Wika 2018 ipinagdaos


Ipinadama muli ng St. Therese MTC Colleges (La Fiesta) ang importansya ng wika sa pamamagitan ng pagkakapit bisig sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2018 na may temang, “Filipino: Wika ng Saliksik” na pinangunahan ni Dr. Ma. Teresa Sarabia na ginanap sa Multi Purpose Hall ng kolehiyo, Agusto 31, 2018.

Naipamalas ng mga estudyante at ng mga guro ang kanilang namumukod-tangi at kakaibang kasuotang pinoy na kanilang isinusuot at inirampa ng may kompyansa sa sarili bilang pagkakakilanlan bilang isang tunay na Pilipino sa puso, kilos at gawa.

Nagkaroon ng iba’t ibang paligsahan tulad ng poster making, tagisan ng talino, interpretatibong sayaw, at vocal solo pop na sinalihan ng iba’t ibang estudyante mula sa Junior High, Senior High at sa departamento ng kolehiyo. Itinampok din sa nasabing kasiyahan ang pagpaparangal sa mga kasuotang Pilipino na sinalihan nga mga estudyante at mga guro ng STMTCC at inuwi nina Ginoong Rasty Berlanasng BSHRM- CLS 1-1 at Roxanne De La Torre ng Senior High School ang parangal sa kategorya ng estudyante at si Ginoong Michael Osimco at Binibining Julie Ann Tadifa naman sa mga guro.